Biyernes, Hulyo 15, 2016
Entry#5: Aking pinalawak na sagot.
Ang pinakagusto ko na ginagawa naming pamilya ay ang manuod ng palakasan sa telebisyon dahil ang aming pamilya ay mahilig dito at masasabi kong kami ay tagahanga nito. Isa rin sa pinakagusto ko ay tuwing kami ay kakain ng sama-sama at nagku-kwentuhan. At tuwing sahod ay hindi ko maiwasang hindi humiling na iluto ang aming paboritong ulam.
Ang gusto kong mabago sa aming pamilya ay ang estado ng aming buhay dahil hindi kami mayaman at nagkakaroon din ng mga problema patungkol sa pinansyal. Isa pa sa gusto kong mabago sa aking pamilya ay ang aming komunikasyon sa isa't-isa dahil gusto kong kami ay mas tumibay pa. Gusto ko itong mabago dahil masasabi ko na hindi ganoong matibay ang aming komunikasyon sa loob ng bahay.
Jayselle Ann Murilla
IX-Antipolo
Entry#4: Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na maging manunulat o sumulat ng akda, anong magiging paksa nito?
Kung ako man ay mabibigyan ng pagkakataon na maging manunulat o sumulat ng isang akda, ako'y magpopokus sa paksang paghanga dahil lahat ng tao ay may hinahanggan sa kanyang buhay. Gusto kong magpokus sa paksang nasabi ay dahil na rin sa ako'y madami ding hinahanggan. Iba ang nabibigay na saya sa tuwing siya ay makikita mong may nagawa siya na tama at may natutulungan siyang tao sa mga mumunti niyang paraan. Gusto kong magpokus sa ganitong paksa dahil minsan ang taong hinahangaan mo ay ang nagbibigay ng inspirasyon at motibasyon upang ika'y magpatuloy sa buhay at makamit ang mga bagay na gusto mo. Isa rin sa mga dahilan ay dahil sa hinahangaan mo, ikaw ay naiimpluwensiyahan na rin na gumawa ng mabuti katulad ng ginagawa niya.
Jayselle Ann Murilla
IX-Antipolo
Linggo, Hulyo 3, 2016
Entry#3: Kung ikaw ang lider ng isang bayan, ano ang gagawin mo upang mapataas ang antas ng pamumuhay ng tao?
Kung ako ay isang lider ng isang bayan,lahat ay aking gagawin para sa ikabubuti ng aking mga nasasakupan.Ako'y tutulong sa abot ng aking makakaya at bibigyan ko ng pansin ang mga kinakailangan ng mga tao,pero dapat ang mga nasasakupan ko ay may kooperasyon sa lahat ng mga plano para sa kanila.Susugpuin ko ang krimen sa pamamagitan ng pagiging isang halimbawa sa kanila. Hindi ako magiging korap at sisiguraduhin ko na ang pera ng bayan ay sa tama nailalaan at hindi kung saan-saan lang. Mas pagtutuonan ko rin ng pansin ang mga malalayo at liblib na lugar na hindi naaabutan ng tulong katulad ng serbisyong publiko,tulong medikal at tulong para sa kanilang edukasyon, para nang sa gayon ay magkaroon sila ng sapat na kaalaman at sapat na tulong.
Isa rin sa aking plano ay ang pagsugpo sa korapsyon para ang pera ng bayan ay ang mga tao ang nakikinabang hindi ang iilang tao na abusado. Mas palalakihin ko rin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagtuon ng pansin sa ating mga produkto upang ito'y i-angkat sa iba't-ibang bansa. Gagawa din ako ng mas maraming trabaho upang magkaroon ng oportunida ang bawat isa upang matugunan ang kani-kanilag mga pangangailangan.
Jayselle Ann Murilla
IX-Antipolo
Entry#2: Earthquake Drill
Sa aming ginawang Earthquake drill sa aming paaralan,nalaman ko ang kahalagahan nito,na kahit kailan,kahit anong oras ay maaring dumating ang "The Big One". Kailangan nating maging handa palagi dahil hindi natin alam kung kailan ito mangyayari.Salamat sa ating gobyerno dahil binigyang pansin nila itong pagsasagawa ng earthquake drill. At dahil dito, mas naintindihan ko kung bakit natin ginagawa ang ganitong klase ng aktibidad ay dahil para ito sa ating kaligtasan. Noon, ayoko sa mga ganitong aktibidad, marahil siguro ay di ko pa ito lubos na maunawaan pero ngayon ang aking pananaw ay nag-iba na. Ngayon, dahil madalas ipalabas sa mga telebisyon ang mga anunsyong nagbibigay ng impormasyon at ng mga dapat at hindi dapat gawin sakaling may dumating na anumang sakuna ay mas magiging handa ang mga tao.
Jayselle Ann Murilla
IX-Antipolo
Entry#1: Ano ang mga inaasahan mo sa Filipino 9 sa Unang Markahan?
Ang aking mga inaasahan sa Filipino 9 ay napakarami, isa na dito ang pagsulat. Nawa'y mas humusay pa ako sa aking pagsulat para na rin mas maihayag ko ng tama ang aking saloobin at opinyon sa mga bagay-bagay. Inaasahan ko rin na mas humusay pa ako sa aking pakikinig at pag-uunawa lalo na ngayon sa Baitang 9 ay marami kaming tatalakaying mga kwento, nobela at iba pa. Sana'y hindi na ako malito kung kailan gagamitin ang mga bantas, dahil hanggang sa ngayon ay nalilito pa rin ako sa paglalagay nito. At sana'y lahat ng aming mga gawain ay magawa ko ng tama at naayon sa instruksyon ng aming guro.Hangad ko rin na lahat ng lektura ay aking lubos na maunawaan nang sa gayon ay h madala ko ito habang ako'y nag-aaral. Sana lahat ng aking mga nabanggit ay aking makamit sa loob ng sampung buwan.
Jayselle Ann Murilla
IX-Antipolo
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)